Ang Bagwisang Filipino
Ang Bagwisang Filipino
Bilang isang deliberating staff, pangunahing responsibilidad ng bagwisang Filipino ang pagpili ng mga akdang maililimbag sa Heights. Bukod dito, tungkulin ng bagwisan ang patuloy na sumikap upang tulungang makamit ng Heights ang mga layunin nito bilang organisasyon.
Mga Kasapi
Ang Bagwisang Filipino ay binubuo ng Patnugot, Katuwang na Patnugot, at mga kasapi. Bago maging kasapi ng bagwisan, sumasailalim ang mag-aaral sa screening process. Tinatawag na aspirant ang mga bagong miyembro ng organisasyon. Sa loob ng isang semestre, binibigyan ang mga aspirant ng pagkakataong ipakita na taglay nila ang mga katangiang kinakailangan sa isang kasapi ng bagwisan. Pagkatapos ng semestre, pagpapasiyahan ng patnugot at katuwang na patnugot kung gagawing ganap na kasapi ang isang aspirant.
Tungkulin ng mga Patnugot
Pinamamahalaan ng mga Patnugot ang lahat ng mga gawain ng Bagwisan upang tiyakin na masusunod ang tamang proseso sa pagpili ng mga akdang ilalathala sa Heights. Tungkulin din nilang pag-aralan muli ang mga akdang tinanggap o hindi tinanggap ng mga kasapi ng bagwisan at ibigay sa Pamunuan ng Heights upang pagpasiyahan. Responsibilidad din ng mga Patnugot na patalastasan ang mga kasapi tungkol sa mga gawain ng bagwisan at ng organisasyon.
Deliberations
Pinagtuunan ng bagwisan ang anumang akdang nakasulat sa Filipino-mga tula, sanaysay, dula at maikling kuwento.
Itinatakda ng organisasyon ang panahon kung kailan maaring magpasa ng mga akdang nais maipalimbag sa Heights. Ang mga kontribusyon ay maaring manggaling sa mga mag-aaral, guro o mga kawani ng unibersidad ng Ateneo de Manila. Pagkatapos likumin ang lahat ng mga akda, ibinibigay ang mga kopya nito sa bawat kasapi ng bagwisan upang pag-aralan. Sa loob ng nakatakdang panahon, gagamiting ang pormalistikong pagbasa upang kilatisin ang bawat akda at tiyakin kung isasama ito sa isyu ng Heights.
Paksa ng mga Creative Talk sa Unang Semestre ng SY 2005-2006